The country gets into another game of nationalists and pseudo-nationalists in today's EDSA revolution celebration. I wonder if it's still correct to call it a celebration of the People Power victory or just one perfect time to take advantage of the situation.
Can we oust Gloria? The cards seem to be all in her hands...
President declares state of national emergency
source: http://www.abs-cbnnews.com/
President Arroyo declared a state of emergency Friday, hours after disgruntled soldiers launched a coup attempt. Press Secretary Ignacio Bunye said the President signed Proclamation No. 1017 placing the entire nation under a state of emergency.
In a televised speech, Mrs. Arroyo said the government will arrest military officers and civilians linked to the coup attempt.
Below is the President's complete statement:
"May ilang sumubok lumihis sa Armed Forces chain of command, lumabag sa gobyernong sibil at magtatag ng rehimen sa labas ng Saligang-Batas.
"Nabuwag natin ang pakanang ito kasama sa mga kilos natin ang pagdakip ng mga militar at sibilyang magkakasabwat at hindi din papalampasin ang mga nagbibigay ng salapi at suportang politika sa pag-aalsa.
"Napigil na ng pamahalaan itong iligal na pagkilos maliban sa ilang tumiwalag na sa pwesto at matapat sa linya ng pamunuan ang lahat ng opisyal ng militar hanggang sa batalyon.
"Bilang commander in chief, kontrolado ko ang sitwasyon.
"Katatapos ko lang pulungin ang aking gabinete na nagkakaisa at buong loob na ipagpatuloy ang serbisyo publiko sa kabila ng kalagayang pang-seguridad.
"Nananawagan ako sa lahat ng ating pamahalaang lokal na patuloy na maglingkod.
"Hindi dapat malagay sa alanganin ang kaligtasan at kabuhayan ng tao.
"Samantala pinapaubaya ko sa pinuno ng AFP at hepe ng PNP ang mga nararapat na pagkilos. Mag-uulat sila sa media hinggil sa mga darating na pangyayari.
"Mag-uulat naman ang secretary of foreign affairs sa mga embahador.
"Ito naman ang babala ko sa mga nagbabalak laban sa bayan - babagsak sa inyong pagtataksil ang buong bigat ng batas.
"Ipinapahamak n'yo ang mga mahihirap sa inyong paghatak sa bansa palayo sa ating nararapat na antas sa daigdig bilang kuta ng pagkakaisa, pagsasakripisyo, pagmamalasakit at kahusayan sa mundo.
"Kinakalaban n'yo ang ekonomiya sa kanyang mga tumatatag na saligan.
"Mga kababayan hinihiling ko sa inyong lahat na manatiling mahinahon.
"Nananawagan ako sa media na iulat ang pangyayari sang-ayon sa tungkulin sa bayan at huwag palampasin ang mga nakakasamang alingasngas at maling balita.
"Salamat sa inyong pananalig sa bayan at sa ating magandang hinaharap.
"Pagpalain nawa ng Diyos ang sambayanang Pilipino."